Thursday, January 1, 2015

Pulis, 6 pa sugatan sa kalabaw

MALUBHANG nasugatan ang anim na katao kabilang ang isang pulis nang suwagin ng nakawalang kalabaw sa may Bgy. Putik sa Zamboanga City.


Nabatid na habang dinadala sa slaughter house ang kalabaw para katayin nang magwala ito at nakatakbo palayo.


Ang nakawalang kalabaw ay pagmamay-ari ng isang barangay kagawad ng lugar na si Mariano Nolia.


Unang sinuwag ng kalabaw ang anim na taong gulang na si Ozzy Castro Romo at nang makita ng pulis na si SPO1 Sylvia Dicen Sarmienton ay agad itong lumapit at gumawa ng hakbang para masalba ang bata kaya siya naman ang binalingan ng kalabaw.


Kasunod nito ay tumakbo umano ang nagwawalang kalabaw at nakasalubong naman ang iba pang mga biktima na sina Joseph Pulad Falcasantos, 34, Sarah Jean Seballos Montilla, 20, at ang 15-anyos na si Shikenah Tueres na hindi rin nakaligtas sa bagsik ng kalabaw.


Lahat ng anim na biktima ay nagtamo ng mga grabeng sugat sa katawan at kaagad naitakbo sa isang pribadong ospital sa lungsod kung saan sila patuloy na nilalapatan ng lunas ngayon.


Mistulang isang pursuit operation ang ginawa ng mga pulis habang hinahanap ang nakawalang kalabaw at makalipas ang mahigit isang oras ay nakita itong kasama ng dalawang babaeng kalabaw at dito na ulit ito nahuli.


Hindi pa malinaw sa ngayon sa mga otoridad kung sino ang dapat managot na nangyaring insidente. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Pulis, 6 pa sugatan sa kalabaw


No comments:

Post a Comment