NANGUNA si James Harden sa pagkapanalo ng Houston Rockets kontra Charlotte Hornets sa score na 102-83.
Gumawa si Harden ng 36 points para tambakan ang Hornets.
Sa pamamagitan ng walong 3-points, six assists at seven rebounds ay muling pinatunayan ni Harden na hindi pa ito nalalaos.
Samantala, nalasap ng Hornets ang ikaapat na sunod-sunod na pagkatalo matapos ang laban sa Rockets.
Nanguna naman si Michael Kidd-Gilchrist at Gerald Henderson sa Charlotte sa ginawang tig-16 puntos. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment