Thursday, January 29, 2015

Sisihan sa Mamasapano clash, tama na – FVR

UMAPELA si dating Pangulong Fidel V. Ramos (FVR) sa taumbayan na tigilan na ang sisihan sa pagkamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force sa Mamasapano clash.


Sa isang panayam matapos ang idinaos na Mitsubishi Motors Philippines sa Sta. Rosa, Laguna ay nakiusap ang dating lider na sana ay wala nang turuan sa nangyari dahil walang nakakaalam ng tunay na sanhi nito.


Kailangan din aniya na makapanayam ng mga kinauukulan ang lahat ng sangkot sa insidente kabilang na ang panig ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).


Aniya, napakadaling magsalita lalo na sa mga nasa Metro Manila na hindi pa naman talaga nakikita ang battle field pero unfair aniya ito para sa mga sundalo at pulis na sumasabak sa giyera.


Samantala, naniniwala naman si FVR na dapat ay isang araw matapos ang enkwentro ay isinapubliko na ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang statement para mas lalong na-appreciate ng kanyang mga boss.


Si Ramos ang founding chairman Special Action Force noong 1983. JAY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



Sisihan sa Mamasapano clash, tama na – FVR


No comments:

Post a Comment