Thursday, January 29, 2015

Bangkay na mga tauhan ng PNP-SAF, ibinurol sa Camp Bagong Diwa

BINIGYAN ng full military honors ang mga labi ng mahigit 40 tauhan ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) na pinatay sa Mamasapano, Maguindanao noong Linggo, makaraang lumapag ang kanilang mga sinasakyang eroplano sa Villamor Air Base kahapon ng umaga sa Pasay City.


Dakong 9 ng umaga nang dumating sa Villamor Air Base ang tatlong C1-30 kung saan lulan nito ang mga labi ng may 42 PNP-SAF Commandos.


Sinalubong naman ng mahigit 300 miyembro ng PNP-SAF ang mga nasawi nilang kasamahan kung saan naging emosyonal ang mga ito at hindi napigilan ang pagluha habang sila mismo ang nagbuhat ng mga bangkay, lalo na ang mga kamag-anak ng mga ito.


Ang St. Peter Funeral ang nagbigay ng serbisyo sa mga labi ng mga napaslang na PNP-SAF kung saan inihatid nila ang mga bangkay nito sa tanggapan sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City para iburol muna dito ng dalawang araw bago ihatid sa kanilang mga kaanak.


Pagdating ng mga bangkay sa headquarters ng PNP-SAF, nakaayos ang mga bulaklak at minarkahan ang pinaglagyan ng kanilang mga kabaong. JAY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



Bangkay na mga tauhan ng PNP-SAF, ibinurol sa Camp Bagong Diwa


No comments:

Post a Comment