KASABAY ng pagpasok ng Bagong Taon, halos mapuno rin ng basura ang iba’t ibang bahagi ng lungsod ng Iloilo lalo na sa mga downtown at plaza.
Kaya naman, ‘double time’ sa unang araw ng taon ang taga-General Services Office (GSO) sa paglilinis ng lungsod.
Ayon kay Engr. Raul Gallo, pinuno ng General Service Office, umabot sa halos 300 tonelada ng basura ang natipon sa buong Iloilo.
Karamihan dito’y mga balat ng firecrackers at mga sisidlan ng prutas na nagsikalat sa mga kalye.
Napag-alamang taon-taon ring sumasalubong sa lungsod ng Iloilo ang mga basura sa selebrasyon ng bagong taon. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment