Thursday, January 1, 2015

Paslit, tigbak sa ligaw na bala

TAYUM, ABRA – Patay ang isang 11-anyos na babae matapos tamaan ng ligaw na bala habang kasagsagan ng Bagong Taon noong Huwebes (January 1) ng hatinggabi sa Tayum sa nasabing lalawigan.


Kinilala ng Tayum police ang biktimang si Jercy Decym Buenafe Tabaday, Grade 4 pupil sa Bumagcat Elementary School.


Si Tabaday ay tinamaan sa ulo ng ligaw nab ala na nanggaling sa .45 pistol.


Ayon kay Cordillera Police Regional director Isagani Nerez, tinanggal ng medical experts ang .45 pistol slug na bumaon sa bumbunan ng biktima.


“Extensive investigation is ongoing and firearms of policemen in Tayum, Abra were immediately inspected but he did not say if that inspection has yielded any results,” ani Nerez.


Sinabi ni Nerez na ayon sa civilian group na tinatawag na Guardians Reform Advocacy and Cooperation towards Economic Prosperity (GRACEP) ay nagbigay ng P100,000 bilang pabuya para sa taong makakapagbigay impormasyon sa taong nagpaputok ng baril.


Sa imbestigasyon, ang biktima at ang kanyang pamilya ang nasa labas ng kanilang bahay at nagsasaya sa pag-celebrate ng Bagong Taon at siya ay nakatayo sa tabi ng kanyang ama ng biglang umagos ang dugo mula sa kanyang ulo.


Ang bata ay agad na isinugod sa Abra Provincial Hospital sa Bangued ngunit namatay habang nilalapatan ng paunang lunas. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Paslit, tigbak sa ligaw na bala


No comments:

Post a Comment