Thursday, January 1, 2015

9 sa 16 na pugante sa Cubao Police Station, nasakote na

NASAKOTE ng awtoridad ang siyam sa 16 na pugante sa Cubao Police Station nitong bisperas ng Bagong Taon.


Naibalik na sa kulungan ang muling naarestong si 30-anyos na si Dennis Natividad dahil sa kasong snatching sa North Ave., Quezon City.


Sa pahayag ng presong unang naaresto na may kasong pagsusugal, nais lang niyang makasama ang pamilya sa pagsalubong sa 2015.


Pero nang makita ang anak na may sakit at dahil na rin sa kawalan ng pera, pinili nitong mang-snatch na siyang dahilan ng muli niyang pagkakakulong.


Isinuko naman sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa Camp Karingal ang ika-siyam sa mga tumakas na si Roberto Valdez.


Sa kabuuan, lima ang naaresto ng pulisya habang sumuko sa awtoridad ang apat.


Pakiusap ni Rigor Alejandria, isa sa mga muling naarestong preso, sa ibang pinaghahanap pa, “sumuko na kayo, usapan natin magbabagong taon lang tapos babalik na agad.”


Hinahanap pa ng pulisya ang pitong preso na sina: John Sicat; Wilmar Morales; Rolando Araneta; Jeremy Llena; Rene Flores; Alvin Lorensaga at CJ Nuque.


Pakiusap ng awtoridad sa mga kaanak at kaibigan ng mga nabanggit, makipagtulungan at isuko sa kanila sakaling alam ang kinaroroonan ng mga suspek. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



9 sa 16 na pugante sa Cubao Police Station, nasakote na


No comments:

Post a Comment