Friday, January 2, 2015

P7M ransom inilatag Chinese na dinukot sa Batangas

HUMIHINGI ngayon ng P7-milyong ransom money ang mga kidnappers na dumukot sa negostyanteng Chinese sa Padre Garcia, Batangas.


Ayon kay PO2 Louie Enriquez, na hanggang ngayo’y nakikipagnegosasyon pa rin sila sa mga dumukot sa biktimang si Jefferson Ty dahil sa napakalaking halaga na hinihingi ng mga ito kapalit ng kalayaan ng Tsino.


Kung maaaalala, Disyembre 13 noong nakaraang taon nang dukutin si Ty na patungo sana sa kanyang farm lulan ng kanyang sasakyan.


Nakuha ang kanyang sasakyan sa bayan ng Tiaong sa lalawigan ng Quezon na mayroon pang bakas ng dugo, simbolo na nanlaban muna ang biktima bago tuluyang natangay ng mga salarin. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



P7M ransom inilatag Chinese na dinukot sa Batangas


No comments:

Post a Comment