NASABAT ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cordillera at Baguio City PNP ang may 141 kilo ng marijuana mula sa isang service utility van (SUV).
Ayon sa Baguio City Police Office (BCPO), nakatanggap sila ng impormasyon sa isang concerned citizen na ibibiyahe mula sa Bakun, Benguet patungong Metro Manila ang kontrabando na nakalagay sa siyam na Hong Kong bags sa Disyembre 31 ngunit kagabi lang isinakatuparan.
Sa isinagawang checkpoint ng BCPO at NBI sa harap mismo ng Station 8 ng BCPO sa Camp 7, Baguio City, pinahinto ng mga ito ang nasabing van na may lamang apat na katao na pinabukas ang pinto ngunit hindi alam ng driver kaya nagpatulong sa pulisya.
Matapos buksan ang pinto, nahulog ang isa sa mga bag at dito lumabas ang nilalaman na marijuana bricks.
Sa kasamaang-palad, agad tumakas ang hindi pa kilalang driver at kasama nitong si alyas Brandon habang nahuli ang dalawang kasama ng mga ito na kinilalang sina Arnold Fabian Atonen, 20, tubong Kayapa, Bakun, Benguet at Rose Baleg Bentrez, 33, na tubong Sagpat, Kibungan, Benguet.
Nakumpiska mula sa mga ito ang 73 marijuana bundles na may bigat na 73 kilos at 34 marijuana bricks na may bigat na 68 kilos.
Sa ngayon ay mahigpit na binabantayan ng pulisya at NBI ang sapa na tinakbuhan ng dalawang suspek.
Nahaharap ang mga ito ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang pagbibiyahe ng iligal na droga. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment