Friday, January 2, 2015

Bangka lumubog, 4 paslit, 1 pa todas sa Iloilo

LIMA ang nasawi makaraang lumubog ang sinasakyan nilang motor banca sa bayan ng Carles, Iloilo.


Habang nailigtas naman ang apat pang iba at nawawala naman ang isa pa.


Nabatid na sumakay ang mga biktima na pawang magkakamag-anak pauwi na sa Bgy. Asluman galing sa kanilang New Year outing nang salpukin sila ng malaking alon.


Isa sa mga pasahero na lasing ang nahulog sa bangka kaya tinangka ng iba pang iahon ito ngunit nawalan ng balance kaya tuluyang lumubog.


Ang ilan ay nakalangoy at humingi ng tulong sa malapit na isla.


Nabatid pa na apat sa mga nasawi ay mga menor-de-edad.


Dinala ang mga nakaligtas sa Jesus M. Colmenares District Hospital sa Bgy. Tingui-an sa Balasan, Iloilo. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Bangka lumubog, 4 paslit, 1 pa todas sa Iloilo


No comments:

Post a Comment