SINIBAK sa posisyon ang spokesperson ng Philippine National Police (PNP) sa gitna ng kontrobersyang kinasasangkutan ng ahensya hinggil sa isang police operation na ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong nakaraang Linggo.
Epektibo ngayong araw (Enero 27), hindi na si Chief Superintendent Wilben Mayor ang PNP spokesperson at Public Information Office chief at ang ipinalit sa kanya ay si Chief Supt. Generoso Cerbo, Jr., Directorate for Intelligence deputy director, ayon kay Senior Superintendent Robert Pod.
Ayaw namang mabigay ng iba pang detalye hinggil sa pagsibak kay Mayor pero isang opisyal ng pulisya na ayaw magpabanggit ng pangalan na ang pagsibak kay Mayor ay dahil may hinihintay itong promosyon sa posisyon o sa ranggo.
Itinalaga si Mayor bilang PNP spokesperson noong Setyembre 2014, at ang kanyang pinalitan ay si Chief Superintended Reuben Theodore Sindac. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment