Friday, January 2, 2015

Nasobrahan sa work-out kaya bumigay ang tuhod

NAPALITAN ng sarap ang sakit na dinanas na operasyon sa tuhod ni Jennylyn Mercado dahil sa siya ang tinanghal na Best Actress sa ginanap na MMFF Award Nights.


Hindi na na-enjoy ni Jennylyn ang Pasko dahil pinagbawalan siyang maglakad. Ang pag-abuso daw sa kanyang binti ang dahilan para operahan ang magkabilang tuhod dahil sa napunitan ng tendon.


Na-depressed daw siya sa nangyari dahil wala siyang magawa. At that time, ramdam daw niya ay wala siyang silbi. Sinisi niya ang sarili dahil sobrang work-out kaya ayun bumigay ang kanyang tuhod.


Ngayon ay naghinay-hinay na siya sa work-out para hindi na raw maulit ang injury na tinamo sa magkabilang tuhod.


Sa pagpasok ng year 2015 ay lalong magiging busy si Jennylyn, isa na pagtutuunan niya ng pansin ay Second Chances na bago niyang teleserye sa GMA 7.


Samantala, naniniwala si Jennylyn na darating din ang tamang lalaki para sa kanya. Ikinatawa nga niya na bakit daw lagi siyang tinutukso sa ex-boyfriend na si Dennis Trillo samantalang hindi naman daw silang nagkikita.


Totoo daw nagkasama sila ni Dennis sa Podium kamakailan dahil sabay raw silang nag-work out. Hindi raw dumalaw si Dennis sa bahay nila at lalong hindi raw sila nagkabalikan. Nagkakamustahan daw sila sa cellphone pero hindi naman daw palagi.


Ang dumalaw sa bahay ni Jennylyn nu’ng Pasko ay ang ama ng anak niyang si Jazz na si Patrick Garcia.


“Hindi ko naman ipinagkakait si Jazz sa ama (Patrick) niya. Dumalaw siya (Patrick) noon Pasko sa bahay kasama ang misis niya para bisitahin si Jazz,” say ni Jennylyn.


Siguro naman matututo na ang mga producer na kapag gagawa ka rin ng panlaban na pelikula ay siguruhin na may katuturan at hindi ‘yung makapagpatawa ka lang ng audience kahit na corny ay okey na.


Katibayan, ang naging resulta sa takilya ng mga pelikulang entry sa MMFF na dati ay wala kaming naririnig na comment sa mga nagsipanood.


Ngayon ay maririnig mo ang mga comment ng mga nagsipanood na walong pelikula sa MMFF na walang kakwenta-kwenta at corny-corny raw.


May ilan din ang pumupuri na nakakagulat ang movie at may ilan din ang pumupuri sa makabagong special effects na ginamit sa movie.


Sayang ang napakalaking budget na ginastos sa mga pelikulang kung ang kalalabasan din ay isang corny at walang kakwentang-kwentang pelikula. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO


.. Continue: Remate.ph (source)



Nasobrahan sa work-out kaya bumigay ang tuhod


No comments:

Post a Comment