MAY ilang wishes kami ngayong 2015. Sana ay hindi showbiz at plastikan ang naganap na pagbabati nina Kris Aquino at Ai-Ai Delas Alas. Sana makaalagwa na ang TV career ni Ai-Ai sa ABS (kung hindi siya mago-ober da bakod) at walang harangan ng proyekto.
Sana ay hindi nasayang ang effort ni Kris sa pakikipagbati kay Ai-Ai dahil naagawan pa niya ng eksena ang bagong kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Hindi nai-focus sa bagong kasal dahil sa peace offering ni Kris kay Ai-Ai, huh?
Isa pang wish namin ay makatagpo na ng bagong network ang nag-iisang superstar na sina Nora Aunor, ang megastar na si Sharon Cuneta, ang magaling na actor na si Aga Muhlach, ang matulunging TV host na si Willie Revillame at ang Pinoy Pop Superstar grand champion na si Gerald Santos.
How true na masama ang loob ni Ate Guy sa kanyang dating manager dahil iniwan diumano siya sa ere at nandiyan na naman si Kuya Germs para i-rescue siya? Nagtatanong lang poh.
Pero kapu-puri si Kuya Germs dahil laging nandiyan sa Superstar. Kitang-kita talaga ang sincerity niya friendship nila at pagtanaw sa pinagsamahan nila.
Isingit na rin namin si KZ Tandingan sa wish namin ngayong 2015. Sana magkaroon siya ng stylist dahil baduy siyang manamit. Sayang ang galing niya bilang singer. Para siyang ga-graduate sa suot niya sa nakaraang concert ni Michael Pangilinan. Pinagtatawanan din ang suot niyang medyas. Hindi rin perfect ang suot niya sa Christmas Special ng ABS-CBN 2.
Ay, wish din namin na ‘wag nang mag-host si Alice Dixson at mag-concentrate na lang siya sa acting. Para niya kaming pinarusahan nang mapanood naming siyang mag-host sa TV5 New Year Countdown. Mula umpisa hanggang ending, marami siyang kapalpakan, buckle, pagkakamali sa pagsasabi ng oras sa countdown at parang hirap na hirap sa mga sasabihin. Wish namin na ‘wag na siyang magka-th sa pagho-host.
Wish din namin na magtagal at lalong tumaas ang ratings ng mga comedy shows ng ABS-CBN 2 gaya ng “Home Sweetie Home,” “Banana Split: Extra Scoop,””Banana Nite,” “Goin’ Bulilit,” “Luv U”. Mag-click din sana at ipalabas na ang “FlordeLiza” na balik tambalan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
‘Yun na!
-0o0-
Nalalapit na ang pagwawakas ng Hiram Na Alaala nina Dennis Trillo, Kris Bernal at Rocco Nacino ng GMA 7.
Balitang mabubuntis si Kris sa serye? Sino kaya ang magiging ama?
-0o0-
“2015 please be my best year,” post ni Meg Imperial sa kanyang Facebook Account na kung saan ay siya ngayon ang bagong Calendar Girl ng White Castle Whisky.
Sexy ang pictorial niya sa nasabing calendar at siguradong pagpapantasyahan ng mga kalalakihan.
Kahit sa bagong movie ni Meg na Ex With Benefits with Sam Milby at Coleen Garcia ay slight siyang nagpa-sexy. Aggressive raw siya roon.
Pinanindigan na rin ni Meg ang mag-drive sa sasakyan niya ngayong 2015.
Biniro namin na nilayasan siya ng driver niya dahil ginugutom niya.
“Hindi ah, Grabeeh,” tumatawa niyang pagtanggi.
“Wala na kasi akong pambayad sa driver kaya ako na ang nagda-drive,” pagbibiro niya.
“Hindi, parang natuto akong mag-drive sa ‘Moon of Desire’. After MOD, hindi ako nakapagdrive kasi parang may takot ako sa pagda-drive. Then one day, right after pagkagaling ko sa Qatar, nag-decide ako na parang siguro kailangan ko na ring matutong mag-drive na rin,” paliwanag niya.
Baka gusto na niyang takasan si Mommy para makapag-date?
“Mukha bang natatakasan ko? Palagi ngang nakasabit. Ha!ha!ha!,” humahalakhak pa niyang pahayag.
So, wala na siyang takot ngayon na mag-drive?
“Nagi-enjoy na ako pero may takot pa rin ako sa mga motor, jeep, mga taxi. Parang ang bilis-bilis nila,” sey pa niya. XPOSED/ROLDAN CASTRO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment