Friday, January 2, 2015

Ate Vi, Ate Shawie at Dingdong ang bet ng political party ni PNoy!

SI Vilma Santos ay matagal na umanong pinag-uusapan sa loob ng political party (Liberal) ni Pangulong Noynoy Aquino. Pwede raw patakbuhing senador o vice-president ni DILG Secretary Mar Roxas si Ate Vi sa 2016 election. Samantalang si Sharon Cuneta, sa pamamagitan ng kanyang mister na si dating senador Kiko Pangilinan ay maaaring makumbinsing tumakbong mayor ng Pasay City. ‘Yun nga lamang, sino ba ang susundin ni Ate Shawie, ang kanyang mister na under the wings of president PNoy o ng kanyang Uncle Tito Sotto na kalabang party yata ng Liberal na naunang himihikayat daw kay Mega na tumakbong mayora sa naturang siyudad.


Samantalang si Dingdong Dantes daw na kakakasal lang ay sure na raw sa senatorial slate ng Liberal bilang representative ng mga kabataang dilawan.


Lumalabas sa naririnig naming usap-usapan na mukhang mas maraming artista ang lalahok ngayon sa politika. Ito kasi ang mga pambala ng mga trapo (traditional politician) para bumango ang kanilang party at ang kanilang mga pangalan. So, ano pa ang ginagawa ng mga politiko, magdidikit na kayo sa entertainment press nang masimulan na ang inyong samu’t saring propaganda. Hahaha!


***


VICE GANDA “TRENDING” HANGGANG 2015!

Bukod sa patuloy na pagrereyna sa takilya ng pelikula niyang “The Amazing Praybeyt Benjamin,” patok rin agad sa madlang pipol ang bagong album sa Star Music ng Phenomenal Star na si Vice Ganda.


Sa katunayan, wala pang isang linggo ng commercial release ng kanyang album na may titulong “#Trending” ay natamo na nito ang gold record status matapos mabili ang mahigit 7,500 kopya ng CD. Ito ay sinertipikahan ng Philippine Association of the Record Industry, Inc. (PARI).


Bahagi ng “#Trending” album ni Vice ang mga kantang “Boom Panes,” “Aba, Matindi,” “Malaya Ka Na,” “Ibang Hugis, Ibang Kulay” at “Push Mo ‘Yan ‘Te” kung saan tampok ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez bilang back-up vocalist.


Kabilang sa bonus tracks ang “Boom Panes Bryan Cua Remix,” “Boom Panes Christmas Remix,” at “Push Mo ‘Yan ‘Te Bryan Cua Remix.” Lahat ng kanta ni Vice ay may minus one versions sa album.


Ang “#Trending” album ni Vice ay mabibili pa rin sa leading record bars nationwide sa halagang P199 lamang. Maaari na ring ma-download ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph.


Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa http://ift.tt/PIHUSn, http://ift.tt/1ttOdaY, at http://ift.tt/1zIfOe3.


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE


.. Continue: Remate.ph (source)



Ate Vi, Ate Shawie at Dingdong ang bet ng political party ni PNoy!


No comments:

Post a Comment