TINIYAK ng liderato ng Senado na maaring hindi makulong si Makati City Mayor Junjun Binay kahit pa pinatawan ito ng contempt ng kapulungan sa kondisyong makikipagtulungan ito sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon sub-committee ngayong umaga.
Nabatid na kagabi ay pinagtibay sa plenaryo ang contempt order na ipinataw ng Senate blue ribbon committee laban kay Mayor Binay na kinukwestyon ni Senate minority leader Tito Sotto dahil sa kakulangan ng quorum.
Maliban kay Binay, kabilang sa mga pina-contempt ay sina Makati City Administrator Eleno Mendoza, Assistant City Engr. Line Dela Pena, Ebeng Baloloy, Marjorie De Veyra at Bernadette Portallano.
Ngayong alas-9:00 ng umaga ay muling ipagpapatuloy ng Senate blue ribbon sub-committee na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel, kaya’t inaasahan na bago ito ay isisilbi ng Senate sergeant at arms ang detention order laban kay Binay at limang iba pa.
Hindi na kailangan na posasan pa ang alkalde dahil nagpahayag naman itong kusa siyang sasama para magpakulong sa Senado.
Pero ayon kay Senate majority leader Alan Peter Cayetano, basta makikipagtulungan siya sa imbestigasyon ng komite ay maari siyang pauwiin, ngunit kung hindi ay idedetine ito.
Nasa tatlong kwarto ang inihanda ng Senado para kina Binay, at isa rito para sa alkalde, air-conditioned, may sariling CR ngunit walang telebisyon, at papayagan siyang magdala ng cellphone.
Habang ang nalalabing dalawang kwarto ay para sa iba pang pinatawan ng contempt. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment