IPINARATING ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) ang kanilang pasasalamat sa maayos na media coverage sa Papal visit.
Ipinaabot ito ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communications sa liham na ipinadala kay KBP National President Herman Basbanio.
Binigyang-diin ni Vergara na isang malaking hamon na maipaabot ang mahahalagang aktibidad ng Santo Papa hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
Naging epektibo ang adhikain sa pagtutulungan ng boradcast media at patunay pa rin ito na buhay ang Filipino bayanihan spirit. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment