PINALALAYAS na sa puwesto ng grupong 1BAP Partylist si Interior and Local Government Sec. Mar Roxas sa madugong enkwentro sa Magindanao.
Ayon kay Representative Silvestre Bello III, tila bina-bypass na si Roxas nang sabihin nitong hindi nila alam ang ginawang operasyon ng Special Action Force para arestuhin ang dalawang miyembro ng Jemaah Islamiyah sa Maguindanao.
Binigyang-diin ng mambabatas na bilang kalihim ng DILG, hindi dapat makalagpas sa kanya ang lahat ng mga hakbang ng pulisya maging ang mga lihim nitong operasyon.
Para naman kay United Nationalist Alliance (UNA) President at Navotas Rep. Toby Tiangco, dapat tigilan na ni Roxas ang blame game sa nangyaring insidente. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment