INUGA ng 4.5 magnitude na lindol ang lalawigan ng Masbate kaninang tanghali, Enero 3, 2015, Sabado.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig sa silangan ng Masbate dakong 12:50 ng tanghali.
Nabatid sa PAGASA na naitala ang intensity 5 na lindol sa Masbate City, habang naitala naman ang intensity 4 na pagyanig sa Irosin, Sorsogon.
Iniulat naman ang intensity 2 na lindol sa Uson, Masbate, Legaspi City habang intensity 1 naman sa Cabid-an, Sorsogon.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 014.
Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershock sa naturang lindol. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment