TINIYAK ng Malakanyang na mas mabigat na kaparusahan ang haharapin ng isang preso na gumahasa sa isang siyam na taong gulang na babae sa loob ng chapel ng Maximum Security Compound sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City habang ipinagdiriwang ang Bagong Taon.
Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na kumpiyansa sila na ginagawa na ni Justice Secretary Leile de Lima ang mga hakbang para maparusahan si Norvin Domingo, isang bilanggo na kaibigan at kasama pa ng ama ng biktima sa selda.
“We are confident that the Justice Secretary is already taking measures to stop any and all possible criminal acts against the penitentiary. At tandaan po natin na kahit nakakulong po sa loob ng Bilibid at mayroon pa pong krimen na nagawa, hindi ho ibig-sabihin ay ligtas na kayo, kasi you will also have to undergo trial for any crime that is discovered na ginawa po ng isang inmate at mas mabigat po ang parusa sa mga ganoong kaso,” anito.
Bukod kay Domingo ay parurusahan din ang mga opisyal ng NBP na naging pabaya.
Kasalukuyang binabantayang mabuti sa ilalim ng superbisyon ni Sec. De Lima ang mga nasabing pabayang opisyal.
Sa kabilang dako, kumbinsido naman si Usec. Valte na may mga ligtas na lugar pa rin sa bansa kahit na may nangyaring panggagahasa sa anak din ng preso. KRIS JOSE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment