MULING nag-alboruto ang bulkang Taal matapos makapagtala ng 12 pagyanig sa paligid nito kaninang umaga Enero 3, 2015, Sabado.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), bukod sa pagyanig ay naitala din ang pagbaba ng temperatura ng tubig sa paligid ng bulkan.
Nabatid sa Phivolcs na nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Taal dahil sa banta ng pagsabog.
Mahigpit din ipinagbabawal ang paglapit ng publiko malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog bunga ng mataas na konsentrasyon ng toxic gases sa loob ng bulkan.
Mahigpit din ipinagbabawal ang pagtatayo ng bahay malapit sa bulkan.
Ang bulkang Taal ay itinuturing na aktibong bulkan dahil na rin sa mga nakalipas na pag-aalburoto nito. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment