NAPATUNAYAN natin na ang mga Pinoy ay mahilig talaga sa mga pelikulang walang kabuluhan.
E tingnan n’yo naman, top-grosser itong pelikula ni Vice Ganda na “The Amazing Private Benjamin” sa kasalukuyang Metro Manila Film Festival.
Ang pelikula ni Robin Padilla na “Bonifacio: Unang Pangulo”, bagama’t itinanghal na Best Picture ay halos hindi kumita at lugi pa raw ang inabot ng prodyuser.
Tungkol ang pelikula ni Binoe sa istorya ng ating bayaning si Bonifacio.
Napakaganda raw nito, ang istorya at sinematograpiya.
Pero mas patok ang walang kwentang istorya ng isang bading na sundalo na naging bayani (raw) ng bansa na “Private Benjamin”.
Pinanood ito mismo ni Pangulong Aquino noong araw ng Pasko dahil kasama sa pelikula ang kanyang pamangkin na si Bimby.
Ibig-sabihin, napanood din mismo ni PNoy kung paano siya ginawang katawa-tawa at kengkoy sa pelikula ni Vice Ganda.
May eksena doon na inimbitahan si Private Benjamin sa Palasyo ng Malakanyang ng Presidente ng bansa na kamukha ni PNoy matapos mapatay ng tropa ni Vice ang mga zombie sa bansang France.
Masyadong nabastos si PNoy sa eksena nang ipakita ang isang “Presidente” na ubo nang ubo at mukhang tanga sa eksena dahil nakanganga at kung lumakad ay parang penguin.
Ngunit sa mga pelikulang kasama sa MMFF, itong kay Vice Ganda ang may pinakamalaking kinita pagkat marami ang nanood.
Nangangahulugan na maraming Pinoy ang hindi pa talaga handang tumanggap ng mga lokal na pelikulang may kabuluhan o tunay na may istorya.
Dahil siguro ito sa rami ng mga problema at trahedyang dinanas ng bansa kaya mas gustong tumawa nang tumawa at maging masaya sa panonood ng pelikulang kakatwa kahit walang kwenta. KANTO’T SULOK/NATS TABOY
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment