Saturday, January 3, 2015

DE LITO SI DE LIMA?

SA rami ng oportunidad na alok kay Justice Secretary Leila de Lima, mukhang nahihilo at nalilito siya kung ano nga ba talaga ang pipiliin niya?


Aba, aba, bukod kang pinagpala, Ms. Leila, sa rami ng alok sa iyo na puwesto ng iyong amo at mga kaalyado. Imagine ba naman, una, ang puwesto na babakantehin ni retiring Comelec Tserman Sixto Brillantes, Jr. early next year. Ayaw mo?


Isa pa ang senatorial slot na gusto ng inyong Liberal Party ay espesyal para sa iyo. O kaya naman ay isang silya nang mga mahistrado sa Korte Suprema? Bukod ka ngang natatangi, Madame De Lima. Para bang ikaw na lang ang pinakamahusay na babae sa ibabaw ng Republika hane?


Kung sabagay, nagawa mo lahat ang gusto ni Don Benigno A3!


Imagine, sinuwag mo ang utos ng Supreme Court na igalang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (PGMA) na noon sana ay magpapagamot sa abroad. Sa halip na magamot siya, napakulong ninyo!


Sabi nga sa kumpol ng mga siga, “You deserve to be rewarded and awarded.” Pero teka, Ma’am Leila. Mukhang hirap kang mamili sa mga puwesto na inihahanda para sa iyo. Isa lang ang payo natin. Tanggapin mo alinman sa mga nakahanay na trabaho huwag lang sa politika.


Sa isang banda, ‘pag senador ka na, tabo ang kita kada buwan, kada taon sa loob ng anim na taon. Imadyin, bawal na ang pork barrel at DAP, iniba lang ang sirkulasyon at pangalan ni pork barrel scam teacher Butch Abad, lusot na! Wow, tiba-tiba na naman ang mga senador at kongresista!


But of course, ikaw pa rin ang magpapasya sa iyong sarili kung ano ang pipiliin mo. Puwesto sa ahensya o sa Senado. Hindi ka naman kikita bilang election lawyer, Ms. De Lima. Dahil sa HOCUS PCOS, nawalan ng trabaho ang mga katulad mong tagapagtanggol ng mga talunan na politiko.


Sa panahon ba na ito kaya mo na ang maging ordinary na private citizen? At sana manalangin kayo na kaalyado ninyo ang susunod na Pangulo. Or else, ang dami tiyak ang makukulong sa inyo! Peksman.


Sa iyong talino, hindi ka dapat malito katulad ng sinasabi mo sa media. Napakasimple ng mga iniaalok sa iyo na trabaho after sa DOJ. Kahit nga hindi ka na umalis diyan kung gusto mo, eh.


Kaya lang, may problema ang boss ninyo sa MalacaƱang. Gusto niyang matiyak na kakampi ang susunod sa kanya na maupo.


Hilo si Boss. Ayaw niya ang makulong! BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



DE LITO SI DE LIMA?


No comments:

Post a Comment