KUSANG sumuko sa mga awtoridad ang amang nakapatay sa kanyang anak sa Tigaon, Camarines Sur.
Ayon kay PC/Insp. Samuel Villamer, nabatid na sumuko ang suspek na si Efren Sta. Maria, 57, sa dating chairman ng Bgy. Salvacion, halos 16-oras matapos itong tumakas.
Inihahanda na rin ng PNP ang kasong parricide laban sa salarin.
Sa imbestigasyon, lumalabas na umuwi ang suspek pasado alas-2:00 ng madaling-araw sa kanilang bahay at naabutan ang 21-anyos na biktimang si Ryan.
Dahil lasing, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang suspek at ang kanyang anak na nauwi sa pananaga ng suspek.
Tinamaan sa batok ang biktima na agad na binawian ng buhay.
Nagising naman umano ang kapatid ng biktima ngunit kung hindi pa nadulas sa dugo ng kapatid na nagkalat sa sahig ay hindi pa nito malalamang nataga ito ng kanyang ama. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment