PATULOY pa ring makararanas ng makulimlim na kalangitan ang malaking bahagi ng Luzon ngayong araw kahit wala nang umiiral na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility.
Ayon sa PAGASA, umiiral pa rin ang tail-end of the cold front sa Eastern Visayas habang Northeast monsoon naman sa Luzon.
Dahil dito, makakaranas ng makulimlim hanggang sa may mga pag-ulan na panahon ang bahagi ng Bicol Region, Cagayan Valley, Cordillera, CALABARZON, MIMAROPA maging ang Metro Manila nitong maghapon.
Samantala, ang Low pressure area na dating bagyong Seniang ay tuluyan nang nakalabas ng karagatang sakop ng Pilipinas. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment