DAHIL sa pagkapikon sa ingay ng paputok sa harap ng kanyang bahay, isang 61-anyos na lolo ang nanaga na ikinasugat na dalawang binata sa La Union.
Una rito, nagkaroon ng matitinding sugat sa kanilang katawan ang mga biktima na kinilalang sina Michael Labagnoy, 25, at Ricky Lim, 20, kapwa ng Bgy. Parian, San Fernando City matapos silang pagtatagain ng suspek na kinilalang si Nilo Gadianon.
Sa imbestigasyon ng pulisya, sinaway umano ni Gadiano ang dalawa na huwag magpaputok ng firecrackers sa kanyang bakuran ngunit hindi nagpaawat ang dalawa.
Napikon, hinintay ng suspek na pumatak ang alas-12 at saka pinagtataga ng itak ang likod at tiyan ng mga biktima bago tumakas.
Dinala sa ospital ang dalawa na hanggang sa ngayo’y patuloy na ginagamot.
Samantala, kusa ring sumuko si Gadiano sa mga awtoridad ngunit pinalaya matapos ang magdamag dahil wala pang kasong isinasampa laban sa kanya. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment