INILUNSAD ngayon ng awtoridad ang manhunt ops laban sa isang lalaki na tumaga at nakapatay sa kanyang sariling anak sa Camarines Sur.
Kinilala ng awtoridad ang biktimang na si Ryan Sta Maria.
Napag-alaman sa imbestigasyon na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at kanyang lasing na amang si Efren Sta Maria, 57.
Dala ng kalasingan, kumuha umano ng itak ang suspek at tinaga ang kanyang anak sa batok dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Agad namang tumakas ang suspek bitbit ang itak matapos ang pangyayari. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment