SA huling arangkada ng ating kolum sa natapos na taong 2014, ating ihabol ang reklamo ng isang naging pasahero ng bus.
Basahin natin:
AC Transit Bus na may plakang UVD 708. ’Yan po ang bus na sinakyan ko sa Ayala noong Dec. 20, 2014 papuntang Crossing.
Isang daang piso ang ibinayad ko sa konduktor pagdating ng Guadalupe. Bandang likod ako sumakay. Kasabay ng pagbayad ko, nagbabaan ang mga katabi ko habang kaharap ko ang konduktor. Nakailang sabi na ako ng, “Kuya, ‘yung sukli ng P100 ko.” Hindi ako pinapansin at hindi rin ako binigyan ng ticket sabay diretso ito sa pintuan. Hinayaan ko muna ito kasi baka sakaling naisip ko na magtatawag pa siya ng pasahero. Pero nang marami nang pumasok, hindi talaga siya pumupunta sa likod para maningil ulit. Nang malapit na sa Crossing, doon na siya nagpunta sa likuran ko at sinabi ko ulit ang sukli ko. Noong una, mahinahon pa siya.
Pero nang nagtagal, sinabi niyang hindi raw siya umabot sa kinauupuan ko. Nagagalit na at sinabi pa niyang, “Wala ka lang pambayad gagawa ka pa ng kwento. Hindi ka na lang makiusap,” sigaw niya. Ipinakita ko naman sa kanya ang pera ko, wala talaga akong barya ng oras na ‘yun. Parang may tama ‘yung konduktor dahil kung ano-ano ang pinagsasabi. Kung intensyon kong hindi magbayad ‘di naman siguro ako sira-ulo para ipahiya pa ang sarili ko dahil lang sa sukli. Eh, pinaghirapan ko rin ‘yun.
“Hoy, kung sino ka mang sira ulong kundoktor ka, ’wag ka namang ganoon, tarantado!!!”
KOTONG SA SPD HINDI MATIGIL
Patuloy pa rin ang pangongotong ng pangkat nitong isang alyas Tamayo sa sakop ng SPD (Makati, Parañaque, Pasay, Las Piñas at Muntinlupa). Kaya hindi masugpo ang iba’t ibang bisyo sa nasabing distrito dahil sa pangongotong ng mga ito. Ano ba ‘yan, SPD chief Gen. Henry Rañola?
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment