Friday, January 2, 2015

Klase sa Maynila, suspendido sa Pista ng Itim na Nazareno

SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas sa lungsod ng Maynila sa Enero 9 kasabay ng Pista ng Itim na Nazareno.


Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, ipakakalat sa mga critical areas ang police crowd control units mula sa city hall sa kalagitnaan ng procession.


Maliban dito, inalerto rin ni Mayor Erap ang mga ospital, Manila police force, doctors, city hall engineering department at garbage department sa pagdiriwang ng naturang pista.


Makikipagpulong naman ito kay Monsignor Jose Clemente Ignacio, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo, para sa preparasyon.


Ang traslacion ng Black Nazarene ay isinasagawa sa Maynila kada taon na dinadaluhan ng milyun-milyong mga deboto. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Klase sa Maynila, suspendido sa Pista ng Itim na Nazareno


No comments:

Post a Comment