Friday, January 2, 2015

OFW nagpatiwakal sa kanser

DAHIL sa kawalan ng pag-asang mabuhay, isang overseas Filipino worker (OFW) na galing Taiwan ang nagbaril sa sarili sa San Nicolas, Ilocos Norte.


Kinilala ni S/Insp Danilo Pola, deputy chief of police ng PNP-San Nicolas ang biktimang si Eduardo Ramos, 28, ng Bgy. 23, Sta. Cecilia sa bayan ng San Nicolas.


Ayon kay Pola, kagagaling lamang ng Taiwan ng biktima noong Disyembre 20 nang nakaraang taon.


Nabatid na may kanser si Ramos hanggang sa mawalan na ito ng pag-asang gumaling pa dahilan umano para pagpapakamatay gamit ang isang 12-gauge shotgun na pag-aari ng kanyang ama.


Binaril mismo ng biktima ang kanyang dibdib sanhi ng agaran nitong pagkamatay.


Nakuha ang isang suicide note na iniwan ng biktima na sinabi nitong hindi na niya makayanan ang kanyang sakit kaya’t naisipan niyang wakasan na ang kanyang buhay. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



OFW nagpatiwakal sa kanser


No comments:

Post a Comment