Friday, January 2, 2015

Ex-ABC pres. sa Ilocos Norte todas sa ambush

NAMATAY pagsapit sa Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital (GRASMH) sa lungsod ng Laoag ang dating ABC president ng Bacarra, Ilocos Norte matapos tambangan sa bahagi ng national highway sa Bgy. Bangsirit ng nasabing bayan kagabi.


Tinamaan ng dalawang bala ng kalibre .45 na baril sa ibabang bahagi ng kili-kili at apat naman sa kanyang kaliwang kamay ang biktimang si Crisanto Bobot Albano.


Una rito, sakay sa isang Montero sports vehicle si Albano kasama ang mag-iina na sina Maritess Lim at ang dalawa nitong anak nang mangyari ang pananambang.


Sa impormasyon mula sa ospital, nasugatan sa kanang kamay ang kanyang asawa habang ang 16-anyos nitong anak ay nagtamo ng sugat sa baba.


Samantala, ang pitong-taong gulang na bata naman ay swerteng walang tinamong sugat sa insidente.


Ang mga sugatan ay inilipat sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City mula sa Gov. Roque Ablan, Sr. Memorial Hospital sa Laoag City na unang isinugod matapos ang insidente.


Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP-Bacarra sa pakikipagtulungan ng PNP Provincial Office sa pamumuno ng bagong itinalagang OIC PNP provincial director na si S/Supt. Sterling Reymund Blanco.


Sa ngayon ay wala pang matukoy na suspek at motibo sa naturang pananambang. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Ex-ABC pres. sa Ilocos Norte todas sa ambush


No comments:

Post a Comment