DUMULOG sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang isang Japanese national matapos madale ng mga “batang-hamog”, habang namamasyal sa Robinson’s Place sa Ermita, Maynila.
Inilarawan ng dayuhang si Noburo Hida, 55, Japanese national at nanunuluyan sa Rothman Hotel sa may Adriatico, Maynila ang suspek na pawang mga batang lalaki at mga street children.
Ayon kay Hida, naganap ang insidente sa lugar kung saan habang naglalakad ay pinalibutan siya ng mga street children na mga walong bata na umano’y nanghihingi sa kanya ng limos.
Huli na nang mapansin ng biktima na nawaala ang kanyang Iphone 6 na nagkakahalaga ng mahigit P30,000. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment