ANG tubig ay buhay, sapagkat, halos sa tubig nanggagalingang ating pangangailangan sa araw-araw, nararapat lamang na ilayo sa polusyon ang ating mga katubigan upang tayo rin ang makinabang.
Kung ang tubig ay buhay, maaari rin itong maging kasakunaan at kumitil ng buhay ng tao, sa pamamagitan ng mga pagbaha na dulot ng malalakas na bagyo, dahil na rin sa mga kinalbong kagubatan na gawa ng ilang gahamang mga tao upang kumita ng salapi. Samantala, dahil sa sunud-sunod na bagyong bumisita sa bansa, nakapagtala ito nang malakas na buhos ng ulan upang ang ating mga dam sa bansa, katulad ng Angat Dam na nakasahod nang sapat na tubig na maiimbak para magamit sa darating na panahon ng tag-araw. Hindi lamang tao ang nangangailangan ng tubig kundi, maging ng mga hayop, halaman at lahat ng mga nabubuhay dito sa balat ng lupa.
Sabi nga ng mas nakararami, kung papipiliin sila sa dalawang bagay, kung sakali sa tubig at ilaw, ay pipiliin pa rin nila ang tubig, dahil, kahit walang kuryente para sa ilaw, siguradong tatagal ang isang tao. Samantalang, kapag walang tubig, maraming mga bagay na gagawain ng tao ang mabibinbin at magkakaroon nang hindi magandang resulta.
Ayon pa rin sa mga eksperto, maaaring tumagal ang buhay ng tao nang ilang araw kahit walang kinakain, basta’t may tubig na iniinom. Sa kasalukuyang panahon, lalo na sa malalayon lugar ay nagiging suliranin ang malinis na tubig, kaya palagi nating pangalagaan, sa tag-tuyot man.
Ayon sa Hydrological Information ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nasa 214.26 meters ang level ng tubig sa Angat Dam noong Disyembre 29, 2014 (8:00AM). Himigit na sa dam’s Minimum Operating Water Level (MOWL) of 180 meters. Nalampasan din ang 210.00 spilling level, kaya malapit na mag-spill over.
Ang Angat Dam ay isa sa mga pangunahin nating dam na siyang nagbibigay ng malaking porsyento ng patubig sa Metro Manila na matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan. ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment