Saturday, January 3, 2015

Kenny Rogers branch sa QC, hinoldap

HALOS hindi pa man nakakapag-operasyon, hinoldap na ng dalawang miyembro ng Gapos Gang ang isang fried chicken restaurant sa Quezon City kaninang umaga (Enero 4).


Inunang dinisarmahan at kinuha pa ang service firearms ng hindi nakuha ang pangalan na security guard ng Kenny Rogers Roasters na nasa kanto ng Quezon Ave. at Sct. Albano saka ito iginapos dakong 10 a.m.


Isinunod naman kulimbatin ng mga suspek ang pera, alahas at cellphone ng tatlong service crew, cashier at janitor ng restaurant saka iginapos.


Dinala ng mga suspek ang anim na biktima sa loob ng opisina na nasa parteng likuran ng nasabing restaurant.


Hindi pa nakuntento, pumuwesto naman ang mga suspek sa isa sa mga upuan ng restaurant na tila nagpanggap na mga kostumer.


Makalipas naman ang ilang sandaling paghihintay, pumasok sa restaurant ang isang pamilyang kostumer na kanilang hinoldap at iginapos din.


Natangay ng mga suspek sa naturang pamilya ang ilang mamahaling relo at cellphone at hindi pa malamang halaga ng pera.


Tinangay din ng mga kawatan ang CCTV recordings ng nasabing restaurant para walang makuhang ebidensya saka tumakas. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Kenny Rogers branch sa QC, hinoldap


No comments:

Post a Comment