MAKARARANAS ng katamtamang pag-ulan dahil sa apektado ng tail-end of cold front o pagsasalubong ng mainit at malamig na hangin ang Eastern Visayas.
Dahil dito, tinataya ng PAGASA na makararanas ng katamtamang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat ang Central at Eastern Visayas, pati ang CARAGA.
Northeast Monsoon o Amihan naman ang patuloy na umiiral sa Luzon kaya makararanas ng mahinang pag-ulan partikular ang Cagayan Valley, Cordillera, Aurora at Quezon.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mahinang pag-ulan.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment