NANAWAGAN ngayon ang grupong Water For All Refund Movement (WARM) sa Korte Suprema kaugnay sa nakakasang dagdag-singil sa tubig simula ngayong Lunes, Enero 5.
Una nang kinumpirma ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na aabot sa P0.38 kada cubic meter ang ipapatong na singil ng Maynilad habang P0.36 kada cubic meter ang idaragdag ng Manila Water bilang Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA). Makikita umano ito sa bill sa Pebrero.
Dahil dito, muling kinuwestyon ni WARM President Rodolfo Javellana ang timing ng anunsyo sa dagdag-singil nitong holiday season na layunin aniyang iwasang may makahirit ng temporary restraining order (TRO) sa Supreme Court (SC), tulad ng anunsyo sa taas-pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).
Sinabi ni Javellana, dudulog pa rin sila sa Korte Suprema kasabay ng pagpapatupad ng dagdag-singil sa tubig ngayong Lunes.
Bago ang dagdag-singil sa tubig, una nang bumulaga sa mamamayan ang taas-pasahe sa MRT at LRT, Linggo.
Plano rin ng grupong Riles Network na maghain ng petisyon sa SC kontra taas-pasahe ngayong Lunes. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment