Saturday, January 3, 2015

2 Pinoy patay, 16 pa missing sa lumubog na cargo vessel sa Vietnam

KINUMPIRMA ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pinoy ang namatay sa paglubog ng isang cargo vessel sa Vietnam.


Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Charles Jose, kinumpirma sa kanya ng opisyal ng Vietnam Ministry of Foreign Affairs ang pagkarekober sa bangkay ng dalawang Pinoy crew ng Bulk Jupiter.


Una nang inihayag ng international shipping company na Gearbulk na kabuuang 19 na tripulante na pawang Pinoy ang sakay ng lumubog na cargo vessel.


Isang chief cook ang una nang nailigtas habang 16 pa ang patuloy na pinaghahanap.


Nangako naman ng tulong ang kumpanya sa pamilya ng mga tripulante. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



2 Pinoy patay, 16 pa missing sa lumubog na cargo vessel sa Vietnam


No comments:

Post a Comment