NAGBABALA kanina, Enero 3, 2015, Sabado, ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Department of Transportation and Communication (DOTC) na ang mga pangkaraniwang mga manggagawa ang labis na maaapektuhan kapag itinuloy ng pamahalaan ang planong pagtataas ng pasahe sa MRT at LRT.
Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng TUCP, ang mga manggagawang may arawang sumusuweldo na P466 sa Metro Manila ang labis na maaapektuhan ng planong pagtataas na ito ng pasahe sa MRT at LRT na ang natitira lamang suweldo ay P362 dahil sa mga deduction at kapag natuloy pa ang pagtataas ng pasahe sa tiyak na ang maiiwing sahod ng mga manggagawa ay P322 na lamang.
Sinabi pa ni Tanjusay dahil na rin sa kawalan ng dagdag-sahod sa mga manggagawa wala din mahusay na programa ang pamahalaan para malunasan at maitaas ang sahod ng mga manggagawa.
“The consequences of the fare adjustment will make the working poor remain poor. This very important piece of information was not factored in the government decision-making process. In fact, not soul from labor groups such as the TUCP-Nagkaisa and other large workers’ representative organizations were invited in a public consultation for the planned increase if there were any. But a big chunk of their take home will be taken away from them by Secretary Abaya without their consent and approval. So this fare increase is an open robbery of workers, anti-people and very oppressive,” ani ni Tanjusay.
Sinabi pa ng TUCP na sa isang pag-aaral ng Government Family Income and Expenditures Survey in 2009 ay nagpapakita na ang isang pamilya na anim na katao ay dapat kumikita dapat ng P1,200 sa isang araw para mabuhay nang marangal.
Kaugnay nito, sinabi ni Tanjusay na ang TUCP-Nagkaisa at iba pang grupo ng mga manggagawa ay nagpaplano ng kilos-protesta sa MRT at LRT station sa Lunes (Enero 5) para kondenahin si Sec. Abaya ng DOTC hingil sa fare hike. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment