Saturday, January 3, 2015

30 bangkay narekober sa bumagsak na AirAsia flight

IPINAHAYAG ng Indonesian officials na dumarami na ang mga bangkay na kanilang narerekober mula sa bumagsak na eroplano ng AirAsia flight QZ8501.


Ayon kay Indonesian search ang rescue chief na si Henry Bambang Sulistyo, nasa kabuuang 30 bangkay ang kanilang na-recover subalit wala pa rin natatagpuang survivor.


Kung maaalala, may 162 pasahero ang sakay ng eroplano, kasama na rito ang mga crew at piloto nang bumagsak habang nasa kalagitnaan ng Indonesia patungong Singapore.


Sa ngayon, apat pa lamang ang kinilala ng Indonesian authorities sa mga nakuhang bangkay.


Unang kinilala ang namatay na isang babae na Indonesian na si Hayati Lutfiah Lutidfa Hamid na inilibing na noong Huwebes.


Noong Linggo lamang ay nawala sa radar screens ang eroplano matapos madaanan ang masamang panahon sa Java Sea.


Sa ngayon, marami pa rin ang nawawala sa bumulusok na AirAsia.


Nakikipagtulungan naman ang search teams at vessels ng Indonesia, Malaysia, Singapore, Japan at United States sa lumubog na Flight 8501 upang mapabilis ang pagkuha sa mga bangkay.


Ayon sa Meteorology, Climatology and Geophysics, ang napakalamig na temperatura at malabagyong panahon sa papawirin ang maaaring nakaapekto sa engine para magkaaberya ang takbo nito. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



30 bangkay narekober sa bumagsak na AirAsia flight


No comments:

Post a Comment