NAMAMAGHA pa rin ang mga commuters sa pagpupumilit ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na ipatupad ang fare increase sa MRT at LRT sa kabila ng ibinigay na bilyon-bilyong pondo ng gobyerno para sa pagsasaayos ng tren.
Mistulang nabulaga pa rin ang mga pasahero ng Metro rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) sa pagsisimula ng dagdag-singil sa pasahe ngayong araw, kahit ilang araw na itong naiabiso ng DOTC.
Mula sa North Avenue Station, ilang mananakay ang napailing na lang matapos malaman ang fare adjustment.
Sa bagong rate, mula sa dating P15 ay magiging P28 na ang bayad para sa end-to-end trip sa MRT 3 (North Avenue-Taft Avenue, vice versa); mula sa P20 ay P30 na sa LRT-1 (Baclaran-Roosevelt, vice versa); at mula sa P15 ay P25 na sa LRT-2 (Recto-Santolan, vice versa).
Ayon sa mga commuters, hindi makatwiran ang dagdag-pasahe dahil kagabi lang ay sumablay na naman ang MRT.
Wala naman aniyang problema ang fare increase kung nakatutuwa ang ibinibigay na serbisyo.
Para naman kay Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares, pahirap sa mga karaniwang tao ang dagdag na singil.
Bukas inaasahang maghahain ang grupo ni Colmenares ng petisyon sa Korte Suprema laban sa ipinatupad na fare increase. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment