Wednesday, November 26, 2014

VisMin binabayo ng bagyong Queenie

BINABAYO na ng malakas na ulan ang ilang bahagi ng Visayas at Northern Mindanao dulot ng bagyong Queenie.


Kabilang sa mga nakaranas ng malakas na ulan ang Surigao del Norte at Sur; Agusan del Norte at Sur gayundin sa Bohol at Southern Leyte.


Pinagbawalan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng mangingisda, maging ang mga may-ari ng maliliit na vessel na pumalaot dahil sa malalaking alon.


Ang bagyong Queenie ang ika-20 bagyo na tumama sa Pilipinas ngayong taon. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



VisMin binabayo ng bagyong Queenie


No comments:

Post a Comment