Wednesday, November 26, 2014

3 holdaper ng taxi, tepok sa shootout sa Quezon City

TIGOK ang tatlong holdaper-carnapper matapos makipaglitan ng putok sa mga pulis sa Mindanao Avenue Extension sa Lagro, Quezon City, kaninang madaling-araw.


Wala pang pagkakakilanlan ang tatlong lalaki, pero ang mga ito ang itinuturong nambiktima sa isang taxi driver, Miyerkules ng gabi.


Ayon sa taxi driver na si Romeo Sualog, sumakay sa kanya ang tatlo sa Quezon Avenue at agad nagdeklara ng holdap.


Tinangay sa biktima ang P1,700 na kita sa pamamasada ng taxi.


Matapos magsumbong sa pulisya, naispatan ng awtoridad ang ninakaw na taxi sa La Loma, sunod sa Commonwealth Ave. hanggang sa magkahabulan at magpang-abot sa Mindanao Ave. dakong ala-1:00 ng madaling-araw.


Nakatakbo pa ang tatlo bago napatay ng mga pulis.


Ayon sa QCPD, positibong kinilala ni Sualog ang tatlong napatay na nangholdap sa kanya.


Nakuha rin sa mga suspek ang tatlong kalibre .38 na baril na ginamit sa pakikipagbarilan sa mga pulis. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



3 holdaper ng taxi, tepok sa shootout sa Quezon City


No comments:

Post a Comment