Monday, November 3, 2014

UPDATE: 6 na sundalo sa Basilan ambush, pinangalanan na

ISINAPUBLIKO na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nga pangalan ng mga sundalong tinambangan ng mga Abu Sayyaf bandits kahapon sa may Sitio Mumpol, Bgy. Libog, Sumisip, Basilan.


Kinilala ni AFP Public Affairs Office (PAO) chief Lt. Col. Harold Cabunoc ang mga namatay na sina 2nd Lt. Jun Corpus, 22, tubong La Union at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 2014, binata at nagsisilbing bread winner ng pamilya.


Pangarap din aniya ng yumaong tinyente na maging bahagi sa elite force ng AFP ang Army Scout Ranger.


Ang iba naman ay kinilalang sina Sgt. Tranquilino Hermano, taga-New Panay, Aleosan Cotabato; PFC Rolando Empera, Jr. at PFC Freddie Pandoy, kapwa ng Bgy. Dualling, Aleosan, Cotabato; PFC Raffy Canuto ng Bgy. Panaod, Sultan Kudarat at PFC Mark Anthony Singson, ng Bgy. Maluwang, Pigkawayan, North Cotabato.


Ang mga biktima ay pinadapa habang nagbibigay ng seguridad sa ginagawang 80 kms. circumferential road sa nasabing barangay.


Inihayag ni Cabunoc na naimpormahan na nila ang mga naiwang pamilya ng mga pinatay na sundalo.


Tiniyak din ng pamunuan ng AFP na ipagkakaloob sa mga naiwang pamilya ang kanilang kaukulang benepisyo.


Nabatid na grupo ng isang Abu Sayyaf leader Radzmil Jannatul ang responsable sa pananambang.


Samantala, nakatakdang magpapadala ng karagdagang tropa ang AFP sa mindanao na magsisilbing augmentation force para tugisin ang mga bandidong Abu Sayyaf.


Tiniyak naman ng AFP na gagawin nila ang lahat para pulbusin ang bandidong grupo. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: 6 na sundalo sa Basilan ambush, pinangalanan na


No comments:

Post a Comment