TATLO katao ang nalagas na kinabibilangan ng isang dating barangay chairman, isang tricycle driver at 9-anyos na anak nito nang pagbabarilin ng dalawang naglalakad ng suspek ang una sa Tondo, Maynila ngayong hapon.
Namatay noon din si Ely Saluib, 65, negosyante, ng 88 Area D. Gate 12, Parola compound, Tondo sanhi ng tama ng bala sa katawan habang dead-on-arrival naman sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Engie Surigao, 39, tricycle driver ng 500 Ara, Gate 21, Parola, Binondo, Manila dahil sa mga tama ng bala.
Habang si Akisha Surigao, 9, anak ni Engie, elementary student ay namatay habang ginagamot sa ospital dahil sa tinamong tama sa ulo.
Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng dalawang armadong suspek tumakas matapos ang insidente.
Sa report ng Manila Police District (MPD)-homicide section, naganap ang insidente sa pagitan ng 12:00 – 12:30 ng tanghali sa Gate 12, Parola, Tondo, Manila.
Nakita umanong hinahabol ng mga suspek si Saluib na naka-motorsiklo at nang maabuta’y pinagbabaril ito na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
Nagkataong ibinababa naman ni Engie mula sa ipinapasadang tricycle ang anak na si Akisha na sinundo sa eskwelahan na kapwa tinmaan ng ligaw na bala.
Inaalam kung may kaugnayan sa pera ang pamamaslang dahil ang biktima ay nagbu-buy and sell ng buhay na baboy na ibinabagsak naman sa mga puwesto sa palengke. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment