PUMALO na sa 5,689 ang kabuuang patay sa outbreak ng Ebola virus sa West Africa.
Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na nasa naturang bilang na ang kabuuang patay at halos 16,000 na ang naitalang kaso ng Ebola.
Ibinabala naman ng WHO na natatalo sa kampanya laban sa Ebola virus ang Sierra Leone kung saan nananatiling ‘intense’ ang transmission ng virus at posibleng mas mataas pa ang kaso ng virus kaysa Liberia, sa darating na mga araw.
Kinumpirma naman ng leading Ebola specialist na si Peter Piot na lalala pa ang Ebola outbreak bago ito humina sa posibleng katapusan ng taon. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment