TODAS ang dalawa kabilang ang barangay kagawad makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo at SUV sa highway ng Sitio Basagan, Bgy. Buenavista sa Zamboanga City.
Agad binawian ng buhay si Adnan Adua Duraim, 35, isang fish vendor at siyang nagmamaneho ng Yamaha Crypton motorcycle.
Dead-on-arrival ang barangay kagawad ng Bgy. Latuan ng lungsod na si Benjamin Espejo Rebollos, 46, na siyang nagmamaneho ng Honda motorcycle habang kritikal ang kondisyon ng kanyang backrider na si Desiree Camara, 36.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Curuan police station ang driver ng nakabanggaang SUV na si Jesus Saavedra Jayson, 51, ng Bgy. Cabartangan sa lungsod.
Ayon sa pulisya, sinubukang mag-overtake ng dalawang motorsiklo sa SUV na siyang posibleng dahilan ng aksidente.
Inihahanda ng pulisya ang kasong isasampa laban sa driver ng SUV. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment