Monday, November 10, 2014

Swindler na ginang tinarget sa ulo, dedo

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaril na ikinamatay ng isang ginang na hinihinalang swindler sa Bgy. Fatima sa GenSan.


Isang lalaking sakay ng motorsiklo na kanya umanong naloko sa isang transaksyon ang hinihinalang umutas sa biktima.


Kinilala ang biktimang si Maria Lorena Kho, 32, may asawa, ng Prk 13, Blk 13 37th IB, Bgy. Fatima.


Ayon sa Fatima Police, alas-7:30 kagabi habang nagpapahinga ang biktima sa kanyang bahay ay bigla siyang pinasok ng suspek at binaril sa ulo.


Ang suspek na naka-itim na jacket, maong na pantalon, 5’6″ ang tangkad at may takip sa mukha ay agad tumakas matapos ang krimen.


Narekober ng mga awtoridad sa crime scene isang basyo ng bala ng caliber .45 pistol at isang sunglass. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Swindler na ginang tinarget sa ulo, dedo


No comments:

Post a Comment