Monday, November 10, 2014

Mga baril, bala, isinuko ng mayor sa Iloilo

INAALAM na ngayon ng pulisya kung mayroong lisensya ang iba’t ibang mga kalibre ng baril at mga bala na nakumpiska sa palaisdaan na pagmamay-ari ng pamilya ng alkalde ng Barotac Nuevo, Iloilo.


Una rito, mismong si Mayor Hernan Biron, Sr. ang nag-turnover ng mga baril at bala sa Barotac Nuevo Municipal Police Station kasunod ng kanyang pagbisita sa palaisdaan sa Bgy. Jalaud sa nasabing bayan.


Kabilang sa kanyang mga isinuko ay ang sumusunod:


M16 rifle

12-gauge shotgun

.45 caliber pistol

8 long magazine (M16)

5 short magazine (M16)

4 na magazine ng .45 caliber pistol

8 na bala ng 12-gauge shotgun

4 na empty shells ng 12-gauge shotgun

11 round ng .45 caliber ammunition

M75 rifle grenade

182 round ammunition (M16)

.22 caliber rifle

ammunition ng M16

ammunition ng 12-gauge shotgun

holster

boga (improvised LPG mortar)

23 empty cartridge ng .45 caliber pistol

8 empty cartridge ng .38 caliber revolver


Ayon kay SPO3 Glenn Azucena, deputy chief of police ng Barotac Nuveo PNP, ang nasabing mga baril at bala ay nakuha mula kina Cesar Clavesilla, 56, at Ricardo Brito, 42, na umano’y iligal na umookupa sa palaisdaan.


Ang mga ito’y kinumpiska ng alkalde at dinala sa himpilan ng pulisya habang ang dalawa’y inimbitahan sa presinto para sa imbestigasyon.


Inaalam na rin ng mga awtoridad kung mayroong lisensya ang mga baril na nakuha sa kanila.


Napag-alamang pagmamay-ari ng pamilya Delos Santos ang palaisdaan bago nabili ng pamilya ng alkalde. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga baril, bala, isinuko ng mayor sa Iloilo


No comments:

Post a Comment