HINDI nababahala si Senate President Franklin Drilon sa anomalyang kanyang kinasasangkutan hinggil sa pagkamahal-mahal na Iloilo Convention Center sapagkat batid niyang nasa likod niya at malakas ang suporta sa kanya ng “Quatro Marias.”
Hindi lang naman ang mga kasama niyang mambabatas sa Senado ang sinasandigan ni Drilon sa kinakaharap niyang kasong plunder sa Ombudsman kundi maging si Pangulong Benigno Aquino III at mga kapatid nitong babae.
Malaki ang bilib ni Drilon na tulad ni Pangulong Aquino ay kakampi niya ang mga kapatid na babae ni PNoy kaya wala siyang dapat na ipaliwanag pa kaugnay sa kanyang kaso na maihahalintulad sa Makati Parking Building scam.
Naniniwala ang mambabatas na malaking tulong ang gagawing pagsalag sa kanyang mga kapatid na babae ni PNOy sa kanyang kinahaharap na kaso sapagkat batid ng mga ito na kakampi siya ng kanilang ina na si dating Pangulong Corazon Aquino mula pa nang maupo ito sa puwesto kung kailan nagsimula ang demokrasya sa bansa.
Sana nga’y kaya siyang ipagtanggol ng mga ito sapagkat kailangan din ni Vice-President Jejomar BInay ang tulong ng mga kapatid ni Pangulong Noynoy dahil maging ito man’y naging tapat sa panunungkulan sa kanilang ina.
Sabagay, bagaman tinitira si Binay ng ilang kaalyado ni PNoy ay hindi naman kumikibo ang huli maliban na lang nang mabigyan ito ng maling impormasyon ng kanyang “bulong brigade” na nagsabing kinakampihan ni Binay si dating Pangulong Gloria Arroyo.
Nananatiling nasa panig ni Binay ang mga Aquino, lalo na ang mga kapatid ni PNoy sapagkat batid ng mga ito ang tindi ng suporta ni Binay sa kanilang magulang.
Kaya nga noong 2010 presidential elections ay nalaglag si Secretary Mar Roxas na ka-tandem ni PNoy nang lumutang ang Noy-Bi na sinuportahan ng angkan ng Aquino.
Ngayong nasa balag ng alanganin ang yaman, dignidad at political career nina Binay at Drilon, makikita kung gagawa ng hakbang ang Malakanyang upang manatili ang dalawang tapat na tauhan ni Madam Cory sa poder.
May mga naiinggit na nakapaligid sa Pangulo kaya gumagawa ng hakbang upang masira ang mga tulad ni Binay na naghahangad na masungkit ang pinakamataas na puwesto.
Inaakala nila na kapag wala nang mapili si PNoy mapansin sila sa darating na halalan upang gawing kandidato.
Baka inaakala ng bumubulong kay PNoy na malakas sila rito dahil naibibigay nila ang kahinaan nito?
Maling-mali sila. Sapagkat nananatiling ang “Quatro Marias” ang pinakamalakas na impluwensya kay PNoy.
oOo
Happy birthday to my precious Jewel Santiago Lean B. Pascual V who will turn 10 tomorrow, November 11, 2014. Stay sweet, loving and obedient son as you are. Mama loves you very much. PAKUROT/LEA BOTONES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment