DOTC SEC. JUN ABAYA may not have been listening to his boss, president Benigno Simeon Aquino III’s stand against those who he perceived as critics of his leadership – “give us solutions and stop those ugly criticisms and apprehension.
Or, better yet, run for president..xxx!”
Halatang iritado si Secretary JUN pABAYA sa inilabas na report ng Hong Kong MTR na nagsuri sa MRT-3.
Sabi ng Hong Kong team, “very unsatisfactory” at delikado na posibleng ikadisgrasya o ikamatay ng mananakay sa MRT 3.
Sa halip na anyayahan ni Sec. Jun ang HK-MTR team para masolusyonan ang kanilang nakita sa MRT-3, una, sinisi ni pABAYA ang MRT Holdings/Consortium?
Kasunod ang ipinagpipilitan niya na bilhin na lang ng gobyerno ang buong MRT sa halagang P54-bilyon!
Mr. Secretary, pakinggan mo ang boss mo, “no excuses daw and do your job the right thing!”
Sa halip na sisihin ang MRT Holdings, mas mabuti siguro kung ibalik na sa kanila ang buong pagpapatakbo, pamamahala ng MRT-3 dahil sila naman talaga ang gumawa at tunay na may-ari niyan.
Ang bulok na sistema at burukrasya sa loob ng mga ahensya ng gobyerno ang abala sa pagsulong ng bawat programa ng bansa.
Ang MRT-3 sa inyong pamamahala ngayon na palaging nasisira ay maituturing na isang KABAONG SA KALSADA O “rolling coffin in a track”.
Hihintayin mo pa ba na magkamatay ang mga pasahero bago ka maniwala sa mga tunay na eksperto sa perokaril?
Masakit pero totoo ang sinasabi ng mga manunuri batay sa imbentaryo at dokumento ng MRT.
Sobrang delikado sa may halos 500 libo na pasahero araw-araw ang inyong “kabaong na de-motor!”
Hindi mo pwedeng sisihin ang Sumitomo at MRT Holdings dahil sa kanilang pamamahala noon, ang aberya ay ordinary lang sa kanilang kamay.
Anoman ang sira, kaagad ay pinapalitan o kinukumpuni sa tamang proseso hindi katulad ngayon sa kamay ng inyong kapartido’t kaalyado – ang APT Global.
P57-milyon kada buwan ang bayad ng DOTC sa APT Global na walang sariling puhunan at walang sapat na karanasan sa perokaril?
Napakasuwerte n’yo naman.
Ngayon, ang APT ay nakitaan ng kawalan ng sapat na gamit-pamalit sa mga nasisirang riles at coaches.
Umuulan sa loob ng bagon. Nanggigitata sa dumi. Nalalaglag ang itim na bagay mula sa aircondition ng bagon. Marumi. Ang mga escalator at elevators ay sira. Gumana man, sira agad.
Iyan ba ang ipinagmamalaking maintenance ng inyong APT Global Mr. Secretary?
Be a good military soldier where you were trained.
Salute and resign! BALETODO/ED VERZOLA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment