Thursday, November 27, 2014

SI SARHENTO ANG TAGA-ARBOR SA MGA NAHUHULING KRIMINAL

SINO itong SPO4 Bayoca na hepe ng SOU ng Parañaque na isa pa lamang sarhento pero nakapagtatakang naging hepe na kaagad siya ng SOU.


Ano ‘yun lumundag?


Paano titino ang kapulisan kung may mga pulis gaya nitong si Sgt. Bayoca na laging nakasahod na daig pa ang isang alulod?


Biruin nyo, kapag may nahuhuli ang mga PCP commander ng bawat PCP Station ay agad na inaarbor at nilulutangan ni Sgt. Bayoca ang mga huli at sasabihing asset daw niya ang mga ito.


Kaya tuloy hindi mapatino ang Parañaque dahil sa kostumbre nitong si Sgt. Bayoca.


Kamakailan lang ay may nahuli raw ang PCP commander sa Baclaran na involved sa lahat ng krimen na may baril pa raw na nakuha.


Sinubukan daw arburin ni sarhento dahil asset daw niya ito pero hindi siya pinagbigyan ni PCP commander kahit kapwa siyang opisyal.


Ang masakit nito, ipinarating pa raw ni sarhento sa kinauukulan ang pagtanggi ni PCP commander.


Dapat ay makarating sa tanggapan ni NCRPO chief Gen. Mel Valmoria ang mga ‘vertical’ na gawain ni Sgt. Bayoca sa kanyang tungkulin.


PULIS AT SI MAYOR SA BOOKIES NI LARA


Silipin natin ang bookies ng STL ni Eddie Lara sa Mataas na Kahoy at Balete sa lalawigan ng Batangas.


Protektado raw ng gobernor at mga alkalde at kapulisan ang operasyon ng bookies ni Eddie Lara kaya raw hindi nila ito ipinahuhuli at ginagalaw.


Halos walang ginagawang aksyon ang kapulisan, maging ang mga alkalde ng dalawang bayan.


Ang balita, hindi ko lang alam kung gaano katotoo ito na malaki raw ang ibinibigay ni Eddie Lara na tongpats sa mga ito.


Mantakin n’yo, ang tagal na palang nag-ooperate ng bookies itong si Eddie Lara pero nakatunganga lang ang kapulisan at alkalde rito.


o0o

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


.. Continue: Remate.ph (source)



SI SARHENTO ANG TAGA-ARBOR SA MGA NAHUHULING KRIMINAL


No comments:

Post a Comment